Tibok ng Isipan
May isang gabing aking napagtanto
Ang pangungulila ng katawan sa piling mo
Isang mainit na yakap, sa gitna ng ulang di papigil
Walang kabuluhang bulong na nakakikitil
Sa pangungulilang ito, nagpaalipin ako sa Buwan
Kanyang hinila ang mga damdaming kay tapang
At pinilas mula sa kuko ng puso, ang mga ala-ala
Ng yakap at bulong, at halik sa kathang madla
Ika'y aking hinanap sa dagat, sa langit, at sa mga bituwin
Dahan-dahang umaasa sa pangakong di ka na kikimkimin
Pag-ibig na walang lunas, sakit na walang katapusan
Ito nga ba, marahil, ang ating huling pagtutuos?
malamang hindi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

... malamang hindi.
ReplyDeleteAng ganda ng pagkakasulat, at pagtatapos.
maraming salamat. :)
ReplyDelete